FIL10 / B3Maam Filomena Berenguela Room: S304 Day: Monday, Wednesday and Friday Time: 1:30pm - 3:00pm Course Description: Ang Filipino 1 ay isang metalinggwistik na pag-aaral sa gamit ng akademikong Filipino sa ibat -ibang sitwasyon at larangan. Sa paraang interdisiplinaryo at interaktibo inaasahang mauunawaan at malilinang sa mga estudyante ang mga kailangang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng Filipino sa lalong mataas na edukasyon. |
TALUMPATI :) (FINALS) Basta Mapua ka, magaling ka! Kaya mo iyan. Tiwala lang sa iyong sarili. Papasa ka! Papasa tayo. Dalawang buwan na ang nakalipas noong tayo’y unang nagkasama. Dalawang buwan na noong tayo ay nagkulitan, nagkwentuhan, nagsipuyatan, at namroblema. Marami sa atin ay hindi alam ang piniling kurso. Ang iba sa atin ay napilitan lamang sa piniling kurso dahil ito ang gusto n gating mga magulang. Kung tayo’y binigyan ng kalayaan upang mamili tayo ng ating mga kurso ay tiyak na hindi tayo tatamarin sa pag-aaral. Tulad ko lamang, hindi ko ginusto na maging isang inhinyero subalit, napipilitan lamang ako itong kunin. Pero napagmuni muni ko na isusuko ko na lamang ang pangarap ng aking mga pamilya at ipapaglaban ang aking gustong kurso ay tiyak na wala akong mararatnan. Ang paguko ay isang senyas ng kahinaan at kawalan ng tiwala sa sarili. Kapag ikaw ay sumuko, ano ang iyong makakamit? Ano ang iyong maipagmamalaki? Ang mundo na ating kinatatayuan ngayon ay hindi sumusuko para sa atin. Ang Poong Maykapal ay hindi rin sumusuko sa atin. Kaya nararapat lamang na tayo’y huwag sumuko at ituloy ang laban.
FEEDBACK...
Nung first term ko sa Mapua, inaabangan ko lagi tong subject na to. Kasi matic ng ppwesto professor namin sa likod. Makikipagkwentuhan ako sa mga problema ng Pilipinas, at problema ko. HAHAHAHA. Nakakatuwa tong professor na to kasi totoong totoo at prangka sya lalo na kapag manghihingi ako ng advice. Gustong gusto ko sya makita nung first term. Ang sarap ng feeling na new student ka palang tapos may parang nanay ka na sa Mapua. E ayun, umalis na sya sa Mapua :( Pero ayos lang yun, napaiyak ko naman sya dun sa finals namin :) Kung pwede lang ako mag-award, sya na ang FIRST TERM - BEST PROFESSOR ko =)) HAHAHA. |
Mapúan Files